Sabado, Agosto 1, 2015

Malamig na gabi

Isang malamig na gabi
Sa lugar na walng gabi
Ang hangi'y umiihip
Parang ako'y mahahagip

Parang ako'y matutumba
Sa sobrang sakit ng bituka
Ngayon na lang nakapagsulat
Sa kwadernong kulay pula

Wala na kong maisip
Dahil ang hangi'y umiihip
Ititigil na ang tula
Tula para sa pusa.

Kuryente

Huling araw sa Nobyembre
Nawalan kami ng kuryente
Sino bang may pake
Sa tulad kong nag-iinarte

O kay init
Puso ko'y napupunit
Pawis ko'y tumutulo
Dugo ko'y kumukulo

Meralco asan ka na ba?
Halika rito't ayusin na
Aming poste na tutumba-tumba

Tula-tula lang

Sa tuwing naaalala  kita
Puso ko'y sumisigla
Mga mata mong mapupungay
Parang ako nga'y tinutunaw

Mahal mo ba siya?
Teka sino ba siya?
Mali ang naisulat
ng itim na panulat

Gusto mo ba ako?
O sadyang sweet kang tao.
Ikaw ang liwanag
Sa buhay kong walang sinag